2024-07-25 13:24
Humupang Ulan
Tumila na rin ang ulan;
Payapa na'ng kalangitan.
Nawa ay maghilom na rin;
Mga nasaktang damdamin.
Hindi man magawa agad,
Lagi mang mugto ang mata;
Tandaan ngang nararapat;
Tayo ay nakakausad.
------
Submitted: 9:24 pm GMT+8