2024-09-13 13:17
Ang hirap ng buhay no? I have 2 jobs isang regular and yung isa contractual. Pero kahit 2 na yung trabaho mo, ang hirap pa din talagang pagkasyahin ang sweldo lalo na kapag may anak ka at meron din syang special needs. Sobrang tipid mo na, walang luho at all. Pero at the end of the day, mapapatanong kang "paano ko nakakaya tong sitwasyon na to?" Dumating nga sa point na ayoko na e. Pero para sa anak ko, gagawin ko talaga lahat e. Yun lang ang nagbibigay lakas saken araw2. Yung anak ko talaga.