2024-08-29 23:54
Pag usad nga ba ang pagputol ,
Pagtigil papunta roon ,
Pagpikit upang di makakita ,
Sa mga bagay na nasa harap naman talaga ,
Pagkamanhid ba ay proteksyon ,
Upang di na maulit ang noon ,
Pag usad nga ba ...?
Pag usad nga ba ang pagtigil , pagputol ,
O isa lamang itong paraan ,
Upang sarili'y tuluyang makulong .