2024-09-03 00:32
Sabi nila kapag struggle ka daw financially or financially broken ay dapat presentable ka pa rin sa sarili mo. Maayos ka manamit, malinis at mabango para malakas ang attraction ng positive energy sa buhay mo. May chance na hindi ka makakaranas ng kakulangan.
Ang problema lang ay, akala ng iba may pera ka talaga dahil nga maayos ka tingnan kaya uutangan ka ng mga hindi naman marunong magbayad ng utang. Pag sinabi mo ang totoong situation mo na struggle ka financially ay ikaw pa masama! HAHAHA