2024-09-06 03:15
Minsan makakarinig tayo ng masasakit na salita galing sa ating mga magulang, kagaya nang “LUMAYAS KA” dahil na rin sa pagiging suwail natin na anak sa kanila. Iba ang lumalabas sa bibig, iba din ang sa kanilang puso. Naalala ko dati nong maliit pa ako. Yung ate ko syempre pag nagdadalaga na may mga barkada na, gusto nalang palagi barkada ang kasama kaya nasabihan siya ng mama namin na “LUMAYAS KA” pero grabe yung pagsisisi ng mama namin at grabe din niya pinagdarasal ang ate ko.