2024-10-12 17:15
Kasama ka sa dasal ko.
Kahit hindi posibleng matapik ko ang likod mo
at ibulong sa’yong nandito lang ako.
Isasama kita sa mga panalangin,
at aasang ako ay Kanyang dinggin.
Bago pumikit sa gabi ang mga mata,
idudulog kita sa Kanya.
Ipapakiusap na sana’y maghilom ang mga tinamong marka.
Wala ako d’yan para gamutin ang sugat
at paalalahanan ka sa bagong umaga.
Pero asahan mo...
kasama ka sa mga dasal ko...