2024-11-28 12:01
Kanina, ako na lang ang naabutan sa opisina ni ate naming utility worker nung schedule niyang maglinis bandang 6:00 PM. Ni-share ni ate na nalulungkot silang mga utility worker kasi in-announce na dito sa ahensya na wala na ang taun-taong pa-lunch at raffle. Maski 'yung pag-asa na magkaroon ng Christmas basket/grocery ay nawala na rin. Di kasi gaya naming permanent employees eh walang year-end bonuses ang mga contract of service (COS) workers gaya nila...