CONFIRMED!
Inilabas ng Philippine Box Office Facebook page ang ranking ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2024 batay sa kinikita sa takilya.
Confirmed ang naunang post ni Ogie Diaz na pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda ang No. 1 at napakalaki ng lamang nito sa pumapangalawa.
Kumita na ng P223M ang And The Breadwinner Is... at mayroon namang P72M ang The Kingdom hanggang kahapon.
Maababasa ang kumpletong report sa Philippine Box Office.