2025-01-04 03:01
Naloka ako sa school gc ng anak ko. Mga magulang ang nandun, I was there as a parent not a teacher. So si PTA pres, nanghihingi ng abuloy para sa isang fellow parent namin na pumanaw. Nagsend agad ako sa gcash. Ang reply sakin:
Ano po name ng anak niyo para mailista ko?
Huy bakit may checking of attendance ang pag-aabuloy?As much as possible nga gusto ko anonymous kaya lang baka mag mix up since personal gcash niya ang pagsesendan. Bat kailangan ililista name ng bata na nag abuloy ang parent?