2025-01-04 10:57
Boses ng Katahimikan
Tula ni kkimmyyt
Sa kislap ng mata, may lihim na kirot,
Pait na nadarama, sa pusong kumurot,
Sa mga salita'y tila lason,
Binubulong nang walang rason,
Ngunit ang dilim ay hindi mananaliti,
Ang liwanag ay sumisikat, nag mamalaskit muli
Sapagkat ang tapang, di kayang itago
Sa bawat pangaapi may magtatanggol na tao
Ano ang saysay ng pait na dulot,
Kung puso mo'y gapos ng sariling lungkot?
Sigaw ng iba’y iyong tinutunaw,
Ngunit konsensya mo'y di matatahaw.
(I'll make more!)