2025-03-02 15:19
Miss ko na tatay ko 😢 Wala akong mahingian ng yakap. Wala ako masabihan kung ano problema ko sa work, kung gaano nakakapagod yung araw ko. Wala nako kajamming sa mga oldies na tugtugan, pati sa paggigitara. Wala kaming mahingian ng tulong kapag may problema sa bahay, kapag may tulo yung bubong, kapag may sira mga appliances namin. Wala ng kumakatok sa kwarto ko para lang iabot yung timpla nyang kape para sa akin. Wala ng masayahing mukha na lagi kong naaabutan kada uuwi ako. :((