2025-03-10 18:15
Sa lahat ng anak, bilang ako yung panganay, ako yung pinakanakaramdam ng tough love. Minsan pag naiisip ko, masakit pa rin sakin, pero ngayon na adult na ako, naiisip ko rin na first time nya nga lang din palang maging magulang at lahat naman talaga ng diskarte, ginawa nya bilang solo parent.
Magisa nyang ninavigate yung buhay na may bitbit na tatlong anak, kapos pa sa budget minsan, pero hindi nya pinaramdam samin na may kulang kasi isusubo nya na lang, ibibigay nya pa samin.