2025-03-11 15:55
Isang araw/isang tanghali/isang gabi may magiinform sa atin na si ganito ay pumanaw na. Ibababa natin ang phone, tatahimik, iiyak at tutulala. Pero hindi ka pa natatapos sa saglit na pagluluksa, gigisingin ka ng realidad -
"walang pala kaming memorial plan, kailangan kong maghanap ng available na punerarya, kailangan naming maglabas ng pera biglaan, wala ito sa budget namin"
Hindi ka pa allowed magluksa, kasi hindi pa ayos ang wake ng kamaganak/kakilala nating namaalam.